Kanina ni Rolando S. Tinio

Pang-ilang beses ko na bang bumili ng Kristal Na Uniberso? Hindi ko na mabilang. Laging hinihiram, nawawala, pinupuslit, at hindi ko na mahanap. Parang napakaraming taong nangangailangan ng mga tula.

Kanina
Rolando S. Tinio

Sa almusal kanina, namagitan sa atin
Ang dalawang basong tsaa at kubong asukal,
Ang dalawang bilog ng matamis na tinapay,
Ang pagbanghay sa pandiwang inuunlapian,
Mga tanong-sagutan, walang kabagay-bagay,
Pakulang-tingin, palihim na pakiramdaman,
At wari’y pagkabigat-bigat na pananamlay
Dala ng kagabing pagkakahimbing na kulang.

Nagsimulang bumalong sa aking kalooban,
Halos dalamhating walang ngalan, walang saysay,
Parang sinat o panlalatang palatandaan
Ng totoong karamdamang saka pa dadalaw.

At nabatid kong muli ang lubhang pag-iisa,
Ang makubkob sa sariling alaala lamang,
Sa mga iniisip na walang matutunguhan.
Sa ilang sandali, namamahay pala kita
Sa katahimikang walang bintana, pintuan.

About these ads

~ by T. on August 23, 2005.

2 Responses to “Kanina ni Rolando S. Tinio”

  1. hi,. ano pa bang taglish na tula ni rolando tinio? except sa Vallediction at sa Poetry? please, i do need ur help for our thesis! :) thank you.

  2. importante kasi ang tula at dula sa buhay ng mga senting kalog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,159 other followers

%d bloggers like this: